Shire of Roebourne Logo   Language - Filipino

 Home
 About Us
 Advertising
 Calendar of Events
 Community Groups
 Contact Us
 Cossack
 Council
 Cyclone Info
 Employment
 Facilities
 History
 News&Info
 Services A - Z
 Visitor Info
 Youth
 Sear
ch

 

Filipino Dog & Cyclone Information

Pamahalaang Bayan Ng
Purok Ng Roebourne
Paglilingkod Ng Tanod - Gubat
(Shire of Roebourne Ranger Services)

PAG-IINGAT SA MGA
PAGSALAKAY NG ASO

LAHAT NG MGA ASO AY KAILANGANG
NAKATALA O NAKAREHISTRO SA KONSEHO
MULA SA EDAD NA TATLONG (3) BUWAN

ANG INYONG DOKTOR NG HAYOP AY
Karratha Veterinary Hospital
Telepono: 9185 1600

PAGKILALA SA MAPANGANIB NA SONA O POOK

Mayroon mga tiyak na panahon o oras at lugar kung saan ang aso ay higit o lalong maaaring maging palaaway. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga mapanganib na sona o pook, ikaw ay maaaring makaiwas na makagat, o kung ikaw ay may-ari ng aso, ikaw ay maaaring may kakayahang maiwasan mo ang iyong aso sa pagkagat ng isang tao at iba pa. Kung ikaw ay may aso na palaaway, ikaw ay dapat humanap ng propesyonal na payo bago ang isang tao ay masaktan.

MAPANGANIB NA SONA O POOK AY SUMASAKLAW NG:

  • SA PROPYEDAD NG MAY-ARI NG ASO
    Ang aso ay maaaring gumanti ng pagsalakay sa mga taong iyon na inaakala niyang pumasok nang walang pahintulot.
  • MALAPIT SA MAY-ARI NG PROPYEDAD
    Ang aso ay maaaring hindi makilala ang hangganan bakod o ang daanan ng tao sa pagiging ang saklaw ng teritoryo.
  • SA LOOB NG KOTSE O SA LIKURAN NG BUKAS NA LIKOD NG SASAKYAN O TRAK
    Ang aso ay maaaring mag-akala na ang sasakyan ay bahagi ng kaniyang teritoryo at kagatin ang sinuman na pumunta o lumapit sa sasakyan. Kung ang aso ay nakaupo sa loob ng awto, huwag mong iwanan ang bintanang nakababa ng malayo nang husto sa ang aso ay maaaring sumugod palabas at kagatin ang isang tao.
  • SA ISANG LOKAL NA PARKE O KALYE KUNG SAAN ANG ASO AY PALAGING LUMALAKAD AT UMIIHI PARA MARKAHAN ANG PUROK NA ITO
  • KUNG KAILAN NAGLALAKAD SA TALI O PANALI, MAY MGA ASO NA MAAARING MAGING PANANGGOL SA KANILANG MAY-ARI AT MAGING MABALASIK SA MAY BANDANG MAY TAO O SA MGA ASONG NAGLALAKAD
  • KUNG KAILAN ANG ASO AY MALAPIT SA KANILANG MAY-ARI O ANG MGA BATA NANG MAY-ARI
    Kung ang isang tao ay hinipo ang may-ari, ang aso ay maaaring mag-akala na ang taong yon ay nagbabanta o nananakot sa may-ari at mangangat.
  • KUNG ANG ASO AY SINUNGGABAN O DINAKMA O HINATAK SA KULYAR
  • KUNG ANG ASO AY KINAKABAHAN NAKAKARAMDAM NA NASA GIPIT NA KALAGAYAN AT HINDI MAKATAKBO O MAKATAKAS
  • KUNG ANG ASO AY MAYROONG BUTO O LARUAN, O SA KALAPIT NITONG PAGKAIN O HIGAAN

PAMAMAHALA NG ASO SA MGA BATA

Ang mga aso at maliliit na mga bata ay kailanma'y hindi dapat maiwanan magkakasama nang hindi inaasikaso. Kahit na gaano kabait o kabuti ang katangian ng isang aso, isang mapanganib na kalagayan ay maaaring lumaki kung ang aso ay nasaktan o nasugatan, natakot, malagay sa gipit na kalagayan o makaramdam ng panganib.

Ang mga bata ay hindi dapat yakapin o halikan ang mga aso.Marami sa mga kagat sa mukha ng mga bata ay bunga ng ang batang nagtatangkang yakapin ang aso.

Ang mga bata ay kailangang turuan ng pakikitungo o pagtatrato sa mga hayop ng marahan o mahinay at maingat.

Ang mga may sapat na gulang na nag-aasikaso sa mga aso at sa mga bata ay dapat malaman o mabatid ang mapanganib na posibilidad na kinatatayuan:

  • KAPAG MAY PAGKAIN SA PALIGID-LIGID
  • KAPAG ANG ASO AY NINENERBIYOS O NABIBIGLA
  • KAPAG ANG ASO AY MAY KARAMDAMAN O MAY KIROT O HAPDI
  • KAPAG ANG ASO AY MAY MGA TUTA
  • KAPAG ANG DALAWANG ASO AY MAGKASAMANG NAGLALARO O NAG-AAWAY
  • KAPAG ANG ASO AY NASA BUMIBISITANG MGA BATA
  • KAPAG ANG MGA BATA AY NAGLALARO SA O MALAPIT SA HIGAAN NG ASO

Ang iyong aso ay maaaring mangailangan ng pagsasanay sa pagsuot ng busal para sa kaligtasan kung ikaw sa lahat ay di sigurado tungkol sa kung paano ang aso ay gumaganti sa mga bata.

Tandaan na purihin at gantimpalaan ang aso sa mabuting kaasalan. Pagsasanay sa pagkamasunurin ay makakatulong sa iyo sa pagpigil sa iyong asong kaasalan.

Komunidad Na Proyekto Ng Paglaki
Nang AMREX kasabay ng Pamahalaang Bayan
Ng Purok Ng Roebourne (Shire of Roebourne) At
Samahan Ng Mga Beterinaryong Australyano
(And The Australian Veterinary Association)

Paglilingkod Ng Tanod - Gubat Ng Konseho (Council's Ranger Service) ay maaaring tawagan sa 9186 85 28 sa panahon ng karaniwang oras ng opisina o sa 9186 8529 pagkatapos nito.

Ang paglilingkod na madaling paglilipat o (mobile) ay magagamit sa 0417 093 823, 0408 090 412.

Back to Top


PAGHAHANDA SA PANAHON NG BAGYO

Ang panahon ng bagyo ay nagtatagal mula sa ika-isa (1) ng Nobyembre hanggang sa ika-tatlumpu(30) ng Abril. Bago dumating ang kapanahunang ito ang mga sumusunod ay nararapat gawin:

  • Linisin ang inyong bahay o pook ng pinagtatrabahuan ng mga hindi na kailangang materyal o kagamitan at basura.
  • Ang mga punong-kahoy na sobra ang taas at laki ay kinakailangang iayos o gupitin para matagalan ang mataas na hangin.
  • Alisan ang paagusan ng tubig ng basura o bara.
  • Magkaroon sa kamay ng nakahandang panustos o istak sa kagipitan, halimbawa: kagamitan sa pangunahing lunas, kandila o sulo, batirya sa radyong bitbitin, pagkaing de lata, sisidlan ng mga tubig sa pag-inom, at iba pa.
  • Magpasiya kung saan ang pinakamabuting kanlungan o silungan para sa inyong paboritong hayop.
  • Tiyakin ang kinaroroonan at magtatag ng mga nakataling pababang pook sa bagyo para sa karabans, bangka o bapor, maliit na sasakyang nakakabit o hinihila sa likuran, at iba pa.
  • Maging sanay at alamin ang mga sumusunod na distansiya o layo ng patakarang pambagyo.

STAGE BLUE

May bagyong namumuo at maaaring makaepekto sa pook sa loob ng apatnapu't walong (48) oras. Tingnan kung ang lahat ng gawain sa paghahanda ay isinagawa na:

  • Alisin sa inyong pook ang lahat ng mga materyal na hiwa-hiwalay at basura na hindi na kailangan.
  • Tingnan kung ang mga tabing sa bagyo ay maaaring magamit o matibay sa kanilang lugar.
  • Panustos o istak sa biglang pangangailangan ay nakahanda.
  • Karaban, bangka o bapor, maliit na sasakyang nakakabit sa likuran ng malaking sasakyan at iba pa, nakataling pababang kagamitan sa bagyo ay maaaring magamit.
  • Pansinin ang pagtitipid sa paggamit ng tubig.

STAGE YELLOW

Ang bagyo ay kumikilos palapit sa pook at mukhang hindi maiiwasan sa loob ng labing dalawa (12) oras. Isagawa ang mga sumusunod na gawain:

  • Tiyakin na lahat ng mga materyal na hindi kabit-kabit at mga bagay sa paligid-ligid ng tinitirahan, pangkalakal at gusaling pang-industriya at pook na pinagtatrabahuan ay ligtas na naka-impake o matibay.
  • Siyasatin na ang lahat ng mga tabing sa bagyo ay matibay at nakasara o nakakandado sa kinatatayuan.
  • Tibayan ang karabans, bangka o bapor, maliit na sasakyang nakakabit o hinihila sa likuran at iba pa, sa kanilang pagkataling pababa sa kinalalagyan.
  • Maghanda ng ligtas na taguan para sa paboritong hayop o mga hayop.
  • Punuin ang tangke ng sasakyan ng gatong o panggatong.
  • Punuin sa biglang pangangailangan ang mga sisidlan ng tubig at tiyakin na lahat ng iba pang panustos sa kagipitan ay nakahanda.

STAGE RED

Ang bagyo ay napipinto o nalalapit na.

  • Ang lahat ng mga empleado ay dapat gumawa ng pagsasaayos para makauwi sa kanilang tinitirahan at o pook na masisilungan kapag dumating na ang bagyo.
  • Siguruhin na ang paboritong hayop o mga hayop ay walang panganib sa kublihan o taguan.
  • Kapag pinaparada ang mga sasakyan, piliin ang pinakamabuting magagamit na pook na silungan, gamitin ang prenong pangkamay at pumarada o magkambiyo ng kabaligtaran.
  • Habang mabilis at lumalakas ang hangin, bahagyang buksan ang bintana sa tabi ng inyong tinitirahan malayo sa hangin para mapagaan sa loob ang puwersa ng sumusulong na paglaki ng hangin.
  • Habang nasa kasukdulan ng bagyo, lumayo sa bintana at pumirmi sa pinakamagandang kublihang parte ng iyong tirahan.
  • Kung ang mata ng bagyo ay dumaan na kaagad-agad sa buong pook, ang hangin ay pansamantalang hihina, pagkatapos ay bubugso sa gawing kasalungat.
  • Maliban sa matinding pangangailangan, mamalagi sa loob ng bahay hanggang ang bagyong babala ay tapos nang naipatalastas.
  • Kung ikaw ay di maiiwasang naabutan ng bagyo sa isang hindi kubling pook, gumawa ng pamamaraan, yumuko o gumapang kung kinakailangan, para kumubli.Kung hindi humiga o manatili sa iyong lugar.
  • Ipagpatuloy ang pakikinig sa inyong radyo para sa kumpleto o hustong tagubilin na makakaapekto sa pook na ito.

SUMUNOD SA NASA ITAAS NA MGA PAMAMARAAN AT IKAW AY

MATIWASAY NA MAKALILIGTAS SA BAGYO

Back to Top


 

   


copyright © Shire of Roebourne 1999
Please read our
disclaimer